You don’t do that to me! :)

Madami akong naiisip na title para sa post ko na to.

“Gaano kadalas ang Minsan”

“Si Mabait”

“Milo”

“GMRC”

Pero sige since napaka-catchy nung sinabi ni Willie eh yun na lang.

Aga aga kasi sumama loob ko. Minor thing lang naman pero sa kin kasi may mga history na ko ng ganyang abuses. Yes, abuses, you heard me right. Inabuso ako. Wahhh. Not the sexual type of abuse ha. Abuse sa pagiging mabait.

Ubos na naman ang Milo sa kusina. I don’t or rather I can’t take Coffee kasi nagpapalpitate ako so importante sa kin na may Milo o Swissmiss (in packs) lagi sa kitchen pampainit sa tyan anytime I want to. Kaso kanina wala na namang Milo. Kakabili ko lang nun last week at hindi ako madalas magMilo so I expect na meron akong matitimpla anytime. Ano yun kinain ng daga? Nagmilo ang daga?? Same goes for other stuffs like cheesewiz or bread or anything na openly inaalok ko sa lahat ng housemates pero NOT to the extent na uubusin tapos in the end wala na. Mababaw lang di ba? Sige let’s go deeper para maintindihan mo where I’m coming from.

Recently lang may nagtransient sa min (tumira saglit sa isang room sa flat namin while looking for a job). Natuwa ako kasi una, natulungan namin sya kasi pinaalis sila sa dati nyang room ng bigla bigla and pangalawa, mao-occupy na ung isang room meaning hindi na naming aabonohan ung rent dun since buo ko binabayaran sa Landlord monthly. so win-win both ways. Inaabot nya ung bayad nung pagkadating nya, sabi ko kinabukasan na lang kasi gabi na nga saka kakahiya naman pagkadating abot agad ng pera. Dumating ang bukas at ilang araw at weeks pero nalimutan na ata ni girl ibigay. Nung pinaalala ko, nakiusap na wala na daw allowance. Wahhh. So ayun libre sa room, libre din sa food sa bahay (nagkataon din andito si Mommy sa SG kaya lagi nagluluto). Ang sa kin lang kung hindi ko pa tinanong hindi pa magkukusa magsabi. Ayun umalis na sya ng bahay kasi di nakahanap ng work dito. Babalikan nya daw mga gamit nya pati ung bayad iaabot nya. Awa ng Dyos naka-dalawang buwan na at di man lang nagpaparamdam. OK, fine. Mabait ako eh.

i-am-kind

Ung isang kasama din namin sa bahay na friend ko lagi naman nagdadala ng kaibigan at dito nakikitulog minsan ilang iraw, minsan isang linggo, madalas walang pasabi makikita ko na lang ung kaibigan sa bahay. So minsan sinabihan ko na unfair ung ganon sa ibang housemates kasi dagdag sa kuryente at tubig. Naulit pa din ng ilang beses. Hindi naman ako nagkulang ng pagsasabi. Sadyang may mga pasaway lang. At syempre ok lang kasi mabait ako.

be_kind

Dati may friend akong umabuso din sa pagiging mabait ko. Ung tipong pinatira mo na nang libre ng ilang months kasi walang budget habang hanap ng work dito (libre kuryente, tubig, may isang room pa syang sarili nya lang since 3 rooms namin nun) to the extent na kukuha na lang ng damit sa closet ko nang di nagpapaalam. Minsan nakita ko pa sa Friendster (dati pa kasi yun wala pa FB) suot nya ung damit at shorts ko pagbakasyon nya sa Pinas. Saya di ba? Madalas din nya hiramin ung maleta ko nun na bagong bili ko. Ung tipong isang beses ko palang nagagamit pero sya naka lima o anim na. Hiyang hiya naman ako sa yo, Te. May isang incident pa na akala ko pareho lang kami ng blouse na itim, pinuri ko pa sya kasi bagay sa kanya before ko tinanong (innocently) kng san nya binili kasi parehong pareho talaga kami. Excited pa ko nun ha kasi feeling ko iisa lang pinagbilhan namin. Mas exciting pala ung sagot nya “Eh sayo nga to eh”. Wow, pasensya naman, Te, hindi ko narecognize. Hehe. Kaya pala parang hindi ko na nakikita lately nasa closet na pala nya. Awts.

Ang sa kin lang parang wala ata sa vocabulary nila ang mga salitang COURTESY, RESPECT at DELIKADESA. Ewan ko kng nalimutan ba ituro sa kanila ng mga magulang nila yan o sadyang abusado lng sila. Naturally kung hindi sa yo, hiramin mo. O kung gusto mo naman, manghingi ka o magpaalam ka o kung sa tingin mo makakaagrabayado ito sa kapwa mo, kausapin mo nang maayos. Hindi naman ako manghuhula para malaman ko kng ano nasa isip nyo. At madalas pag nakukwento ko tong sama ng loob ko sa malalapit na kaibigan iisa lang ang sagot nila “Ang bait mo kasi”.

So kasalanan ko pala na mabait ako, na generous ako. Dapat pala nilalagyan ko ng note yng mga pagkain sa kusina “kung gusto mo, kuha ka lang, pero since nauubos to, palitan mo na lang next time”. o kaya sa closet ko “hihiram ka ba ng damit? paki-sauli ha”. May ganun ba dapat?

mannersEwan ko pero para sa kin, it’s not about my being kind or nice or lenient. Nakapag-aral naman kami lahat pero sana ung mga basics ng buhay hindi nila malimutan. Baka wala silang subject na GMRC (Good Manners and Right Conduct) nung elementary nila. Favorite ko pa naman yun.

Hindi talaga maiwasan na kahit anong bait mo o ayaw mong mang-agrabyado ng kapwa, may pilit pa din sumusundot sa sungay mo. At wala ka magawa kundi maging mahinahon at habaan pa ang pasensya.

Pero sa kabila ng mga ganitong mga taong nakikilala ko o nagtetest sa pagkatao ko, God has continuously blessed me with a wonderful life. Kaya siguro hindi ako nag-gigive in o nagiging tulad nila. I so believe in good karma.

Saka alam ko nothing and nobody can bring a good soul down.

M-A-B-A-I-T  ako eh. 🙂

But no one has the right to abuse it.  Kaya please, You don’t do that to me! haha 🙂

kindness

a grateful life

i got stuck with my last post about my dad’s demise that everytime i go through the words again, I cry.. a lot. the pain just comes back and the tears keep falling again. for this time and hopefully in my next writings,  i want to share happy thoughts. something i miss doing for some time.

this month is full of gratitude and happy moments. a month full of emotions, so to say.

-i’m thankful for the surgery that went well without any pain or complications. it was my first ever yet it went so smooth.

-for the doctors and nurses who are very professional and caring. the hospital nurse still called me a week after to check how i’m doing. that’s so sweet.

-i’m thankful that we didn’t have to pay any amount for the surgery. that saved us a lot of worries for the bill.

-for my mom (she’s here to take care of me)  who wakes up early to prepare my meals and do the chores at home. i’m grateful for the chance of being with her for 3 weeks (most of the time it’s her and me alone at home) which allows us to bond and catch up. something i miss doing with her for quite some time. wish dad is here, too 😦

-for friends and colleagues who visited me in the hospital and at home. i’m thankful for the flowers, get-well goodies, balloons and fruits..endless supply of fruits. sometimes i didn’t want to eat them. i just want to stare at them because they make me smile knowing i’m remembered.

– for the sweet messages and thoughts that i receive every now and then. i feel so special.

-for our home where we always share meals and laughter together. it is indeed a happy home.

-for our new friends and new found relatives. i feel another sense of belongingness in this foreign land.

the blessings just keep on pouring every day. how can i not recover so soon?

get-well

i feel so blessed and loved

more than the physical healing, my soul is also healed.

happy to have this grateful life 🙂

eroplano

Ilang beses na din ako pabalik-balik sa Pinas simula nung magtrabaho ako abroad. Isa, dalawa, tatlong beses isang taon kung umuwi ako.  At sa tuwing sasakay ako ng eroplano, bitbit ko ang excitement at saya bukod pa sa mga pasalubong na dala ko para sa pamilya ko. Lalong-lalo na kay Daddy. Syempre special yung pasalubong nya. Usually yung mga nirequest nya like Centrum vitamins, Japanese green tea, jogging pants, tsinelas, t-shirts, boxer shorts, chocolates at kung ano ano pa. Parang bata na tuwang tuwa yun pag inabot ko ung pasalubong ko sa kanya.

Last week, August 10, umuwi akong bigla sa Pinas. 2am yung flight ko. Nagtext kasi si bunso na hirap daw himinga si Daddy gawa ng pneumonia nya. Nagulat ako kasi kakalabas lang nun sa hospital.  Sabi pa nya pilitin kong umuwi kasi baka di ko na maabutan si Daddy. Mugtong mugto yung mata ko kakaiyak at pag-aalala. Maya’t maya ako natawag sa min kung ano na ba lagay ni Daddy. Sinugod sya sa hospital mga 2 ng umaga nung August 9.  Ang bigat bigat ng pakiramdam ko pagsakay ng eroplano. Wala yung usual na saya, excitement, pati pasalubong ni isa wala.

Gusto ko lang umuwi at mayakap si Daddy.

Pagdating ko sa hospital mga 7am, gising si Daddy at kitang-kita ko yung saya nya nung humalik ako sa noo nya. Sabi ni Mommy 2am pa lang daw ng umaga gising na si Daddy sinabi kasi nya darating ako. Para daw batang hindi makatulog kakaantay sa kin si Daddy.

Naawa ako sa lagay nya. Madaming nakakabit na tubes sa kanya. Merong dextrose, meron para sa food nya, may catheter para sa ihi nya, merong pang antibiotics, naka-oxygen tank din sya kasi mababa daw yung oxygen sa katawan nya. Hirap na hirap sya huminga dala na din ng plema nya sa baga na di nya malabas labas. Tuwing lalagyan sya ng nebulizer, nakikita kong di sya komportable, nakakunot ang noo. Ako naman sasabihin ko “Saglit lang to, Daddy, ha para malusaw yung plema mo para makahinga ka mabuti”. Pag matindi naman yung ubo nya na madaming plema, sina-suction sya. Ayaw na ayaw nya yun kasi masakit gawa nang tuyo yung lalaluman nya. Pumapasok ako sa banyo na kunwari nagCR lang ako para di ko sya makita sa ganung kondisyon. Naka-ilang tusok din ulit sa kanya sa tuwing nagbabara yung IV nya o kaya naman natatanggal nya yung gagalaw sya. Alam ko masakit pero pinipilit ko iapaliwanag sa kanya sa saglit lang yun kasi kelangan ayusin yung IV nya.

Puyat na puyat ako sa pagbabantay kay Daddy sa gabi. Si Mommy kasi pinapatulog ko na dahil pagod din maghapon. Sa tuwing tutunog yung Oxygen at Pulse rate monitoring nya (ibig sabihin, mababa ung Oxygen o kaya naman sobrang bilis ng pulso nya), nirereset ko yun kasi nakakatakot yung tunog. Ung parang naririnig nyo sa hospital pag nag-aagaw buhay. Ganun ang tunog nun lalo sa madaling araw na sobrang tahimik at paghinga lang ni Daddy ang maririnig namin.

Hirap huminga si Daddy. Yung normal na pulse rate ng tao nasa 80 beats per minute lang, Kay Daddy nasa 140. Para syang tumatakbo ng ilang kilometro  sa hingal nya. Sa umaga nga pawis na pawis sya at bibiruin ko “San ka na naman nagjogging, De, pawis na pawis ka oh” sabay punas at palit sa hospital gown nya.

May chapel malapit sa room ni Daddy. Laging kong dasal na sana konti pa, dugtungan pa yung buhay nya. Pero nung mga huling araw sabi ko kay Lord “Cge, kunin Mo na sya kung yun ang nararapat para wala na syang maramdamang sakit o hirap”.

Monday, August 13, maaga pumunta si Father sa hospital para basbasan si Daddy. Annointing of the sick daw tawag dun. Base sa homily nya, dalawang bagay lang naman ang pedeng mangyari, ang pagalingin sya sa physical na karamdaman, o bigyan sya ng buhay na walang hanggan sa langit.

Sasalinan sana ng tatlong bags ng dugo si Daddy nung umagang yun pero sa di inaasahan naubusan daw ng dugo dun sa hospital at kelangan pang kumuha sa red cross. Sobrang pag-aalala ko nun kasi baka kelangan na talaga ni Daddy ng dugo dahil bumaba daw ng husto yung hemoglobin nya.

August 13, 2pm. Napansin kong humihina yung Oxygen level ni Daddy at bumabagal naman yung pulse rate nya. Very unusual ito kasi alam ko ung usual na level ng Oxygen at Pulse rate nya.  Tinawag ko yun nurse para icheck. Napansin na namin na humihina na yung paghinga ni Daddy sa bibig nya kaya umiyak na kmi ni bunso at ni Mommy. Alam namin na yun na yung pamamaalam ni Daddy.

Time of Death- 2:15pm.

Niyakap ko si Daddy at hinalikan sa noo at sabay sabing “Pahinga ka na Daddy, mahal na mahal ka namin. Wag mo na kaming intindihin, Ok kami. Wala nang masakit sayo, wala na”.

Tatlong araw ko lang nakasama si Daddy. Nabantayan, naalagaan, nayakap, nahalikan, nakausap. Though di sya nakakapagsalita, tumatango naman sya at ngumingiti. I wanted to have more time with him para ipasyal sya, pasayahin sya, ibigay lahat ng gusto nya. magse-celebrate pa sana sya ng 75th birthday nya ngayong October at balak pa sana naming handaan. Plano ko pa magresign na next year sa trabaho ko at umuwi ng ilang buwan sa Pinas para makasama sya. Pero mas maganda pala yung buhay na ibibigay ni Lord sa kanya. Buhay na walang sakit, walang mga tusok tusok sa katawan, walang suction, walang hinahabol na paghinga. Buhay na di namin maibibigay sa kanya dito sa lupa. Kaya kahit paano maluwag namin natanggap na kalooban na din ni Lord na kunin na si Daddy. Masakit man isipin na di na namin sya makikita o makakasama, nandito naman sya lagi sa isip at puso namin.

“De, alam ko namimiss mo kami, ganun din kami sayo. Hinding hindi ka naman makakalimutan kasi kung ano kami ngayon yan ay dahil sa yo, sa pagmamahal mo at sa pagsusumikap mo para sa pamilya natin. Habang buhay kaming thankful sa pagiging ama mo sa min. Sabi nga sa homily ni Father, no goodbyes. See you later, De, enjoy mo lang yung journey mo jan. In God’s perfect time, magkikita kita din tayo. At tandaan mo lagi, mahal na mahal na mahal ka namin.

I may not be the best daughter you could ever have..pero sana, somehow, in my own simple ways, I made you proud…”

 

red alert: men shortage

may shortage nga ba ng mga lalaki? yes, you heard me right. lalaki. boyz. men. fafa. hehe..

ngayon ko lang kasi napagtanto na madami pala akong kakilala / friends na single pa din at naghahanap ng bf. sa tingin ko naman walang mali sa kanila.  dumaan din naman ako sa stage na yan (for a while, hehe) pero hindi naman talaga ako nagworry o nadepress kasi alam ko naman mayron talagang nakalaan para sa tin. naks.

single friend #1: 27yrs old, Pinay, maganda, maputi, may magandang career, maganda ang pangangatawan, petite, nagsusupport sa family. mejo nahihirapan sya humanap kasi Muslim sya so dapat din iconsider ang religion.

single friend #2: 31yrs old, Pinay, maganda, maputi, may magandang career, petite din, cheerful, makulit, mabait, maayos sa mga gamit, maganda pumorma, tumutulong din sa pamilya. close friend ko.

single friend #3: 32yrs old, Pinay, maganda, kayumanggi, may magandang career (arkitekto), active sa sports (cycling, badminton, running, volleyball, mountain climbing), mabait, masayahin. tropa ko.

single friend #4: 34yrs old, Pinay, maganda, kayumanggi, may magandang career (Engineer), active din badminton, minsan nang nalink sa mga may sabit, so hanggang ngayon looking pa rin for the right guy. tropa ko.

single friend #5: early 30’s, Singaporean, di naman pangit (lol, pag Pinay maganda decription ko), Engineer din kasama ko sa office, active sa outdoor activities, minsan naging GF ng isa ko ding friend na local, hiniwalayan, hindi maka-move on at ginagawa pa kong tulay para magkabalikan sila.

single friend #6: 32yrs old, Pinay, maganda, kayumanggi, may magandang career sa Pinas at ngayon dito sa SG, achiever, leader. minsan nagkaron ng muntik muntikan ng relasyon few years back, after nun di pa din maka-move on bakit naudlot ang kanilang pag-iibigan. close friend ko.

single friend #7: 33yrs old, Pinay, maganda, petite, teacher, long hair (literally). looking for bf din. lately nalaman ko may karelasyong may sabit, pero pilit dinedeny (kung ayaw aminin eh di wag). so looking pa din.

single friend #8: 34yrs old, Pinay, mejo maganda din, may magandang career, religious, mejo idealistic nga lang sa gustong partner, mag 7 yrs na since hiniwalayan sya ng bf nya nun at di pa nagkabf ulit after that.

meron pang ilan na di ko masyadong close pero just the same naghahanap pa din. apat pa ata yun. nasa 30’s na din.

asan na nga ba ang mga single guys? dito lang ba sa SG may shortage nyan o kahit saan din? dito kasi iniisip namin (sa aming minsang pagbibrainstorm hehe) na maaaring bago pa sila makaisip na mag-abroad eh nag-asawa na sila sa Pinas. kung meron mang mga binata pa eh iilan ilan lang at kadalasan may gf na din. so ano ba talaga problema? personality clash ba? intimidating ba ang profile ng aking single lady friends kaya mahirap makahanap ng partner? pero sa tingin ko, iilan lang talaga yung single guys. sabi nga nila 1:3 ang ratio,  1 single guy to 3 single ladies ang statistics ngayon. hindi naman pede share-share di ba?

gusto ko man din sila tulungan pero wala naman ako maireto. hanggang advice lang ako na maghintay kasi may nakalaan para sa bawat isa sa tin, wag madali, mahalin muna ang sarili, etc. yung mga kakilala ko ding guys either may gf o may pamilya na. swertihan lang talaga nun na single pa si Manong at age 27 nung makilala ko kaya di ko na pinakawalan (lol). kung hindi,  kasama sana ako sa nakapila ngayon na naghahanap pa din.

pero seriously, i feel their pain and their longing to be with somebody. lalo na’t malayo kami sa pamilya namin at mga kaibigan lang karamay namin dito. hindi naman lahat ng oras anjan mga kaibigan. so dumadating pa din yung oras na gusto mo may kausap at kasama ka anytime. ung masasabi mong sayo. ung masasabi mong you’re somebody’s someone.

NOTE:

kung ikaw ay lalaki, single, may matinong career, presentableng looks (not necessarily gwapo) at intresado kang makilala ang mga single friends ko, ipasa mo lang ang CV mo sa kin para macheck ko ang profile mo bago kita ireto sa mga friends ko. hehehe. joke lang po pero pede mo ding totohanin 🙂

kenny rogers at 3 red roses

Bagong bukas yung Kenny Rogers sa isang mall dito malapit sa min. Sobrang miss na namin to. Medyo malayo kasi yung ibang branches ng Kenny Rogers. Last week lang nagbukas kaya naisip namin dito kami magdinner.

Maraming pinoy crews kaya nakaka-at home kumain dun. Medyo pricey pero sige minsan lang.

Usap-usap, tawanan, kulitan, 18th birthday din kasi nung kambal na mga kapatid na babae ni Manong so kwentuhan tungkol sa handaan sa Pangasinan.  May pasok pa si Manong sa gabi kaya di kami pedeng magtagal dun.  Past 8pm lumabas na kami ng resto.

Ako: (Nag-uungot). sabi mo Manong bibilhan mo ko nun tuwing anniversary natin ah.

Manong: ano yun? relo?

Ako: Hmp! alam mo naman di ako mahilig sa alahas ah.

Manong: eh ano nga, damit?

Ako: hayssss… ayan oh (sabay turo sa flower shop).

Manong: uso pa ba yan?

Ako: Ewan ko sayo (pabulong bulong) sabi mo nun bibigyan mo ko ng flowers tuwing anniversary natin. Hmp!

Manong: Sa susunod na lang bibigyan kita.

Ako: Minsan na nga lang yung aniniversary natin eh. (Nag-uungot pero nakangiti).

Manong: O sige na papasok na ko.

Ako: Love you, Chuchi (ito na ang madalas na tawag ko kay Manong lately..hehe). Happy birthday ulit sa tin!

Nag-MRT ako at naglakad ng ilang metro. Bago ako umakyat sa flat namin, tumawag muna ako kay Ate sa Saudi. Kinamusta ko lang kasi kakapanganak nya lang kahapon. Mga 30 minutes kami nag-usap sa baba ng flat. Pagdating ko sa kwarto nagsort muna ako ng mga sulat na kinuha ko sa mailbox. Tumawag si Manong.

Manong: Kakadating mo lang?

Ako: Yup, Chuchi. Office ka na?

Manong: As in ngayon lang?

Ako: Paulit-ulit, paulit-ulit? (sabay tawanan). Oo nga, ngayon lang. Tumawag pa kasi ako kay Ate.

Manong: Nasan ka?

Ako: Dito nga sa kwarto, kulit oh.

(Bago pa man ako makapang-okray…nagulat at sobrang natuwa ako sa nakita ko sa gilid ng kama namin).

Hindi sya purple tulips gaya nung sa civil wedding namin dito. Pero sobrang natuwa ako kasi akala ko nalimutan na nya. Natuwa ako kasi si Manong ay hindi palabigay ng bulaklak pero dahil alam nyang ikatutuwa ko to, ginawa nya. Saya saya naman 🙂

One year and counting…… 🙂

adobong baboy at malamig na coke

Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nalanghap namin at nagtalo kami ni Manong at nauwi pa sa iyakan (well, syempre ako ung umiyak. hehe).

Late na kami gumising, alas-onse pasado na ata. Maganda naman ang gising namin, nag-usap pa nga kami kung ano uulamin namin sa pananghalian. Wala ng almusal, derecho na sa pananghalian.

Manong: Manang, luto ka ng adobong baboy ha. Bumili ako ng baboy sa grocery kahapon.

Ako: Sige, pero ikaw magsaing ha.

Niligpit ko na yung kama namin, sinalang ko na din yung adobong baboy. Habang nag-aantay, ngremote access ako sa email ko sa office. Tumawag din yung sa production mga dalawang beses.

Manong: ano ba yan, trabaho na naman.

Ako: sandali lang to, may chineck lang ako.

Manong: kagabi late ka na natulog dahil sa trabaho. off mo naman ah, magpahinga ka naman.

Ako: Hindi naman ako nagpapabaya dito ha. ayan nagluluto ako sa kusina,  nagcheck lang ako saglit. ikaw nga panay games mo jan sa phone mo.

Speaking of nagluluto, naalala ko may nakasalang pala akong adobo. Buti hindi nasunog, natuyuan lang.

Sa sobrang inis ko, naglinis ako ng banyo. feeling ko naman aping-api ako habang nag-iis-is ng toilet bowl at ng sahig. Si Manong naman nagligpit ng mga sinampay na damit sa sampayan at nilagay sa kama.  Halatang nainis din sa pagmamaktol ko. Pagkatapos ko maglinis ng banyo, isa isa kong tinupi ang mga sinampay.

Manong: mamaya na yan, kakain na. naghain na ko. (1:30 pm na to)

Ako: ayoko kumain, tatapusin ko to baka sabihin mo nagpapabaya ako dito sa bahay.

Manong: hindi ko naman sinabi yun ah. ang sa kin lang wala ka ng pahinga.

Ako: sinabi ko naman na naka-leave ung kasama ko, di ba?  kaya ako lang inaasahan nila, gusto ko ba to? pagod na pagod na din ako ah. (sabay hagulgol at punta sa banyo)

Sumunod si Manong.

Manong: sige, iiyak mo lang yan.  (ako naman hagulgol pa din na parang bata)

Ako: hindi mo ko maintindihan eh, di naman ako nagpapabaya dito sa bahay ah.kelangan ko lang talaga icheck yung email ko.

Manong: Oo, alam ko naman yun, multi-tasking ka lagi sa trabaho saka dito sa bahay. Pero wala ka ng oras sa sarili mo.

Ako: gusto mo lang siguro gamitin yung laptop! ikaw nga jan panay games mo, niligpit ko na nga yung kama eh, nagluto na ko at naglinis ng banyo ah.

Manong: Oo nga alam ko yon,  pero wala ka ng pahinga, dami mo lagi iniisip, wala ka na oras sa sarili mo, di ka pa nga ata nakapagsuklay (sabay yakap sa kin). halika, kain na tayo.

Nagsuklay naman ako nung umaga ah.

Ako: hmp! pakagat!  (yan ang pang-alis ko ng inis kay Manong pag nagtatalo kami.  kelangan ko makakagat sa bisig nya o kaya bigyan sya ng madiing kurot sa braso)

Ako: dito na tayo kumain sa kwarto, ayoko lumabas. Mugto yung mata ko.

Dumating si Manong na may dalang isang plato ng kanin na nilagyan ng maanghang na adobong baboy. May dala din syang isang baso ng malamig na malamig na coke.

Manong: share na tayo sa plato.

Tahimik sa kwarto. Kumain kaming nakakamay at pinagsaluhan ang adobong baboy habang nanonood ng NBA game sa TFC.

Manong: sarap no? match na match yung malamig na coke dito sa adobo.

Ako: Hmp! pagkatapos mo kong paiyakin jan. Pasalamat ka masarap magluto ang asawa mo.

Manong: Wag mo sasagutin yang phone mo pag galing sa office ung tawag ah.

Ako: Wag ka din maglalaro ng games ha. Pag nakita ko lang naglalaro ka, itatago ko yang iphone mo.

Sabay tawanan.

=======================================================

Ah gutom lang pala. Alas dos na din kasi ng hapon. Walang laman ang sikmura pati mga isip mababaw na din at nauubusan ng pasensya. Buti kayang bawiin ng adobong baboy at malamig na coke.

Sa buhay mag-asawa, kelangan ng madaming baong pasensya at pang-unawa sa isa’t isa. Alam ko madami pa kaming ganitong pagtatalo at maaaring mas malalim pa. Wala pa nga kaming isang taong kasal. Kung ire-rate ko ang pagsasama namin, siguro 8.5/10. Hindi perfecto pero masaya. At ang mahalaga, at the end of the day, naaayos ang problema, may pagpapatawad, pagpapakumbaba at pagmamahal. At higit sa lahat, may masarap na adobong baboy at malamig na coke na pagsasaluhan.

🙂

fishball noodles and chilli

This is a true story shared by a Singaporean colleague.

His mum (or mom) was recently diagnosed with stomach cancer and has undergone surgery just a week ago. His scholarship for further studies in the US has been approved and he is set to go this June. But he opted to stay and take care of his mum while recovering from cancer.
I couldn’t help but commend him for his post. I even told him he can title it as “the parable of the fishball noodles and chilli”.

He just smiled at me.

This is his exact post from his facebook.

“Was at TTSH (a famous hospital here in Singapore) canteen this afternoon with a friend.

Shared a table with a mum and her late-teens son.

Mum bought a bowl of fishball noodles for her son but got screamed at for forgetting the chilli.

(chopped red or green chillies are common condiments for soups here in this side of the planet)

I couldn’t help but ask the son if the chilli was more important than his mum?

And if the chilli was indeed so important, he should jolly well get off his ass and get it himself.

Haha got a middle finger as a reply from the son but an appreciative smile from the mum.

Let us learn to be more appreciative of what our parents have done for us.

Focus not on the lack of chilli.

Rather focus on the very bowl of noodles in front of you

which was only made possible thru the time, effort  and money provided by our parents’ love.”

That’s a very powerful deed coming from a son who almost lost his mum to cancer.

Recently, I had a misunderstanding with my mum.

 It took me a while to realize how stupid I am to feel and think that way.

I have said harsh words which I shouldn’t.

How can I, who is far away from her, be unforgiving for a simple mistake

when I should have just called and clarifiy things with ther?

We shouldn’t focus on things that  are missing but rather appreciate what is there and what is more important.

And remember, fishball noodles still taste good without the chilli.  So don’t focus on the lack of chilli but on the goodness of the fishball noodles.

Happy Mother’s day, Mommy, and to all mothers in the world!